Di na rin siguro lingid sa inyong kaalaman na malaking dagok ang naranasan ng marami sa ating kapatid na Pinoy. Nung araw na iyon, walang kamalay-malay ang karamihan sa atin na ganoon ang mangyayari. Ngayon na eto na ang sinapit natin, laking pasasalamat ko na rin na biglang nabuhay ang kabayanihan ng mga Pinoy. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtulong sa mga nasalanta sa bagyo at baha. Di lang mga malalaking organisasyon ang bumangon at umarangkada. Lahat ng pwedeng tumulong ay tumulong. Sana nga ay sa madaling panahon malagay sa ayos na ang mga kapatid nating naapektuhan.

Siguro nagtataka kayo kung bakit yan ang nilahok ko pagkatapos ng aking maikling pagsalaysay ng saloobin ko tungkol sa sinapit ng ating mga kapwa Pinoy. Eto kasing “Magic Hand” na ito ay isa sa mga pamosong tanawin sa bayan ng Gerona, Tarlac. Itong tubig na lumalabas sa “Magic Hand” ay galing sa isang bukal at napakalinis ng tubig na ito. Ang sabi nila, mayroon daw itong “healing properties” kaya’t may mga umiinom nito at pinapahid pa sa kanilang katawan. Kung pwede sana na gamitin ang “healing properties” nitong tubig para tulungan ang karamihan ng mga nasalanta. Pero alam ko namang medyo mahirap yun kaya paalala na lang siguro ang maidudulot ng aking larawan sa mga kapatid kong Pinoy. Di nga ba’t ang pagkaporma ng “Magic Hand” ay nangangahulugan ng “OK”. Sana nga ay maging “OK” na ang lahat sa lalong madaling panahon.

Tags :
Categories : Litratong Pinoy, pictures

RSS feed for comments on this post

  1. jeanny

    October 1st, 2009 at 2:10 pm

    Thats my prayer too.

    Happy LP.

  2. upto6only

    October 1st, 2009 at 2:52 pm

    ang galing naman nyan. oo nga para nga cyang nagsasbi ng “ok”

    Happy LP
    upto6only´s last blog ..LP: (Ma)Linis My ComLuv Profile

  3. carnation

    October 1st, 2009 at 3:02 pm

    oo nga naman sana maging ok…marami pang mga pagsusubok…ito sa akin : http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/10/lp-linis.html
    carnation´s last blog ..LP: Linis My ComLuv Profile

  4. yeye

    October 1st, 2009 at 3:21 pm

    kung pwede nga lang eh. hehehe
    atleast anjan naman si Lord. hindi magical ang kanyang kamay, kundi, MIRACULOUS :)

    eto naman po ung akin :D

    LINIS :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
    yeye´s last blog ..LP#77 – LINIS My ComLuv Profile

4 Responses








CommentLuv Enabled