Eto na naman si Trining…aba ikakasal na. Alam nyo bang maysakit sya nung araw na yan. Nasa pang-sampung araw nya ng pagkakaroon ng bulutong nung araw ng kanyang kasal. <!–more–>Mabuti na lang nakuha nila ang make-up artist ng Sampaguita Pictures kaya natakpan ng maigi ang kanyang mga bulutong. At mabuti na rin na sinabi ng doktor na hindi na siya nakakahawa kungdi…nakow…nagsabog lang sya ng lagim sa simbahan. Bulutong roadshow yun sigurado. Buti na lang.
Nga pala…yung gwapong lalaki na nag-aantay sa kanya ay si Lito. Sya yung inhinyero na na-in-love sa kanyang sexytary…ayan na naman…secretary pala.
Sa madaling sabi…yan ang pag-iisang dibdib na nagbunga ng isang magandang pagsasama. Ika-apatnapung taon na nila nitong Hulyo. At kahit nasa langit na si Lito…ang pagmamahalan nila ay di pa rin nagbago.




Para makita ang ibang mga lumahok sa linggong ito, puntahan nyo sila dito.

 

 


Categories : Litratong Pinoy, pictures

RSS feed for comments on this post

  1. julie

    June 5th, 2008 at 2:10 am

    Ang ganda ni Trining, glowing. AT si Lito naman ay napakasaya! ANg tangkad pala ng daddy mo Cookie, sa kanya ka nagmana :)

    Magandang Huwebes sa iyo, kita-kits bukas :)

  2. Dr. Emer

    June 5th, 2008 at 2:17 am

    Napakasarap magbalik-tanaw sa nakaraan at alalahanin ang mga magagandang alaala ng pag-iisang dibdib. Nagbunga pala ito ng isang matibay na 40-taon ng pagsasama. Dapat pamarisan lalo na sa panahon natin ngayon na napakabilis maghiwalay ng mga may asawa.

    Magandang araw ng Huwebes sa iyo! Salamat sa pagdalaw.

  3. ScroochChronicles

    June 5th, 2008 at 2:18 am

    Hi Julie!! Naku, 6 footer yun tatay ko. Korek ka, yun height ko namana ko sa kanya..pero yung byuti ko namana ko kay Trining..nyahaha :)

    ang kapal ng mukha!!

    Yup, kita-kits bukas :D

  4. ScroochChronicles

    June 5th, 2008 at 2:32 am

    Hi Dr. Emer!! Totoo yan..di na pangkaraniwan ang 40 taon na pagsasama. Yung bilis ng buhay ngayon ay siya ring bilis ng pagtatapos ng maraming mga pagsasama. Sana nga ay matutunan nating respetuhin muli ang totoong kahulugan ng pag-iisang dibdib.

    salamat din sa iyong pagdalaw :D

  5. Surfergirl

    June 5th, 2008 at 3:03 am

    kahanga hanga ang pagsasama ng iyong magulang! maligayang huwebes :)

  6. Munchkin Mommy

    June 5th, 2008 at 6:14 am

    nakakatuwa ang iyong lahok, cookie. :) ang galing ng salaysay at ang ganda ng mga larawan. :)

    hapi huwebes!

    Sumpaan
    Abay

  7. Dyes

    June 5th, 2008 at 6:22 am

    mukhang masayang-masaya sila! parehas silang naka-jackpot! :) sana lahat ng samahan ay magtagal tulad nila

  8. komski kuno

    June 5th, 2008 at 7:41 am

    Hala, bulutong? Kung nagkataon nga edi chicken pox chaos ang nangyari, hehehe. Pero anu nga ba ang makapipigil sa pag-iisa sa dalawang pusong nagmamahalan?:D

  9. marie

    June 5th, 2008 at 11:45 am

    Kakatuwa naman pero di talaga nahalata ang bulutong, ang ganda parin ng nanay mo.

  10. mirage2g

    June 5th, 2008 at 12:05 pm

    Ang mga litratong ito, hindi kumukupas, sa kulay at ningning! galing nman.

    Happy LP!

  11. meeya

    June 5th, 2008 at 2:46 pm

    natawa naman ako sa kwentong bulutong. :D ang galing galing ng pictures! sana forty years from now, yung anak ko naman ang magpo-post ng litrato namin hehe.

    MyMemes: LP Kasalan
    MyFinds: LP Kasalan

  12. Dragon Lady

    June 5th, 2008 at 4:48 pm

    huwaw! napaka-classic at vintage naman nitong mga lahok mong litrato. :)

    naaliw ako sa kakaibang kwento nang kasal nila trining at lito! akalain mo ba namang parang walang bulutong si trining at aba, taga-sampaguita pictures pa ang hair & make-up artist??! panalo!!!

  13. raqgold

    June 5th, 2008 at 5:02 pm

    gusto ko yang mga ganyang wedding photos, actually meron din kaming black and white version nung aming wedding photos e!

  14. jeanny

    June 5th, 2008 at 5:27 pm

    wattt!!!!me bulutong pa yan, ang ganda ni mami, hindi halata… :)

    ganda ng photo..worth saving :)

    Happy LP

    Jeanny
    My LP#10

  15. ces

    June 5th, 2008 at 11:12 pm

    naalala ko naman ang wedding photos ng mga magulang ko dito! 70’s na 70’s! tama ba?

  16. lino

    June 6th, 2008 at 12:20 am

    nice, noastalgic… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP… :)

  17. christine

    June 6th, 2008 at 12:32 am

    nakakatuwa ang behind the scene kwento ng wedding ng parents mo. :)

    happy weekend!

  18. thess

    June 6th, 2008 at 6:28 am

    Cookie, ang ganda ng mommy mo tapos ang tangkad ng dad mo!

    totoo, may bulutong pa sya nyan? pero teka, actress ba mommy mo nuon? ang ganda talaga!

    happy weekend sa iyo!

  19. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 6:59 am

    Hi Surfergirl!! Oo nga eh..biruin mo almost 40 years silang nagsama. Sayang nga lang at di na naabutan ng tatay ko yun anniv nila next year. Nasa heaven na kasi sya eh :)

  20. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:00 am

    Hi Munchkin Mommy!! Alam mo, totoo yan. Akala nga nila di matuloy yung kasal dahil sa bulutong ng nanay ko :)

  21. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:01 am

    Hi Dyes!! Totoo ka..naka-jackpot silang dalawa. Sila nga ang aking “benchmark” pagdating sa pag-aasawa :)

  22. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:02 am

    Hi Komski Kuno!! Yan nga ang lagi nilang sinasabi nuon. Walang sinabi ang bulutong sa kanilang pagmamahalan :)

  23. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:03 am

    Hi Mirage2g!! Oo..totoo yan. Mahilig talaga ako sa mga lumang litrato…may character eh :)

  24. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:04 am

    Hi Meeya!! Sana nga pagdating ng panahon ay maganda din ang masasabi ng mga anak natin tungkol sa atin :)

  25. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:05 am

    Hi Dragon Lady!! Hehehe…kasi kapatid ng Lola ko si Dr. Perez ng Sampaguita kaya nila naharbat yung make-up artist..buti na lang..o di mukhang taartits yun nanay ko :)

  26. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:06 am

    Hi Raquel!! Same tayo..may album kami na puro black and white. Mas gusto ko pa nga yun kesa dun sa colored namin :)

  27. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:07 am

    Hi Ces!! Naku..60’s pa ito. Alam mo type na type ko yung era na yan..hanggang mga 70’s.

  28. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:08 am

    Hi Lino!! Thanks sa pagbisita..kahit late na :)

    Uy, ang ganda ng lahok mo ha :)

  29. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:09 am

    Hi Christine!! Actually patikim lang yan. Mas masalimuot ang behind the scenes kwento. Hayaan nyo pag sinipag ako baka maikwento ko dito :)

  30. ScroochChronicles

    June 6th, 2008 at 7:10 am

    Hi Thess!! Malaki talaga height difference nila. Tatay ko ay 6 feet tapos nanay ko 5 feet lang. Buti na lang sa tatay kami lahat nagmana ng height :)

    Naku ha, di actress ang nanay ko pero lagi naming sinasabi na kamukha nya si Nida Blanca nung bata sya :)

  31. Grey

    June 6th, 2008 at 9:56 am

    nagustuhan ko ang love story nila Trining at Lito!!!! hindi mo akalain na may bulutong siya ha dahil ang ganda ganda pa rin nya! yan ang tunay na pag-ibig, walang kahit anong sakit ang makakapigil sa pag-iisang dibdib!!! sana nga kung buhay pa si Lito ay umabot pa sila sa ika-50 anibersaryo, pero ok lang sa langit na lang ituloy ang ligaya! :)

  32. Nina Lumberio

    June 6th, 2008 at 12:29 pm

    ang ganda ng mother mo. kitang-kita sa litrato na engrande ang handaan. nakakatuwa ang doves at hanging icing flower ng cake. noong bata ako hindi ko maintindihan bakit may doves, nung kinasal lang ako dun ko nalaman na symbol pala siya ng fidelity. Tapos noong araw gustung-gusto ko papakin ang mga hanging icing from the cake :)

  33. leah

    June 6th, 2008 at 3:23 pm

    Nakakatuwa naman itong lahok mo ngayong linggo! salamat at naibahagi mo sa amin ang magandang samahan ng iyong mga magulang. nga pala, ang galing ng makeup artist ng nanay mo. though di naman kelangan kasi likas na maganda na sya, with or without bulutong! :)

  34. eastcoastlife

    June 7th, 2008 at 3:44 am

    Thanks for your prayers for my son’s recovery. He’s home from the hospital. We are relieved to know the cause of his abdominal pains and that it is not life-threatening.

    Happy weekend!

  35. leapsphotoalbum

    June 7th, 2008 at 8:05 am

    Yan ang totoong love story… ke may bulutong tuloy pa rin ang kasal. Biruin mo kung hindi niya tinuloy ang kasal dahil sa mga katoy-katoy eh maaaring hindi nila na-enjoy ang ilang dekadang pag-iibigan.

    Salamat na lang at sa make-up artist ng Sampaguita pictures at naitago ang mga sugat. Buti pala at hindi nangati si Trining no :)

  36. Kotsengkuba

    June 8th, 2008 at 11:02 am

    i’m new here so i’m not quite sure who’s Trining ;_ is that you, your mother or someone else. or are they movie stars from Sampaguita Pictures. ;-)

  37. ScroochChronicles

    June 9th, 2008 at 6:45 am

    Hi Grey!! Talagang maganda ang love story nila..pang-pelikula. Minsan ikukwento ko dito :)

  38. ScroochChronicles

    June 9th, 2008 at 6:47 am

    Hi Nina!! Ako din, gusto ko din yung mga icing flowers ng mga cake. Dun sa mga dove naman, alam mo bang di ko ginawa yan nung wedding ko. Ewan ko ba kung bakit tinopak ako’t di ko isinali yan :)

  39. ScroochChronicles

    June 9th, 2008 at 6:48 am

    Hi Leah!! Oo, napakagaling nga daw ng makeup artist na nakuha nila. Mantakin mo, para daw minasilya ang mukha ng mama ko sa kapal ng foundation. At least di halatang may chicken pox sya :)

  40. ScroochChronicles

    June 9th, 2008 at 6:49 am

    Hi Eastcoastlife!! I’m so glad that your son, Jaymes, is well now. I guess the power of prayers really work. All the best!

  41. ScroochChronicles

    June 9th, 2008 at 6:51 am

    Hi Leapsphotoalbum!! Actually, pagaling na si Trining nung panahon na yun eh. Di na sya nangangati..yun nga lang, nangitim na yung mga bulutong nya. Kaya ang kapal ng makeup nya para lang matakpan :)

  42. ScroochChronicles

    June 9th, 2008 at 6:52 am

    Hi Kotsengkuba!! Welcome to my site. Ok…some introductions are needed pala..Trining is my Mom..Lito is my Dad. And no, they aren’t movie stars. Feeling lang :)

  43. Heart of Rachel

    June 9th, 2008 at 9:01 am

    Kakaiba ang kwento na ito. Ganun nalang siguro ang kaba sa dibdib ng iyong ina dahil sa pagkakaroon nya ng bulutong tubig sa paglapit ng kanyang kasal. Mabuti at naging maayos lahat.

  44. adinille

    June 9th, 2008 at 10:44 am

    ang ganda ng mga lumang larawan.. puno ng kwento.

  45. caryn

    June 9th, 2008 at 1:58 pm

    ang sweet! ang ganda talaga ng mga lumang letrato!

45 Responses








CommentLuv Enabled