Di lamang ang simoy ng hangin ang nagsasabing malapit na ang pinakamasayang araw ng taon. Tignan na lang natin ang ating kapaligiran at makikita na nating ang mga magagandang dekorasyon sa bawat kanto. Pati sa radyo ay halos puro Christmas songs na ang pinapatugtog. At para sa akin, ang isang hudyat ng Pasko ay pag nag-papanic na ako dahil di ko pa nabibili ang mga regalo na kailangan kong bilhin. Ang dami ko pa namang inaanak.
Pero ang pinaka-obvious na senyales na talagang malapit na ang Pasko…..masyadong mabait bigla ang 2 bubwit na yan sa litrato. Halos gabi gabi nga ay may spa night kami sa bahay dahil di sila magkandaugaga sa pagmasahe sa amin ng tatay nila….hehehe. O di ba obvious na obvious.
Tags : Christmas, kids, Litratong Pinoy, photography
Categories : Celebration, D'kids, family, meme
















RSS feed for comments on this post
Mauie
December 3rd, 2009 at 1:43 pm
Wais na wais ha. Marunong makaramdam na kailangan nang maisulat sila sa Nice list at hindi sa naughty.
Heto naman ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.maureenflores.com/2009/12/litratong-pinoy-hudyat-signal-sign.html
Dinah
December 3rd, 2009 at 3:10 pm
ha ha, its a sign nga! kaya pala bumabait, santa is making a list na
heto naman ang aking lahok :Hudyat
Dinah´s last blog ..LP 82: Hudyat (Sign)
Sassy Mom
December 3rd, 2009 at 5:17 pm
Kakatuwa naman ang kids mo.. at least marunong maglambing.
Sassy Mom´s last blog ..Hudyat na malapit na ang Pasko
maver
December 3rd, 2009 at 6:11 pm
awww, they’ve gotten so big already! ang bilis talaga ng panahon. sulat na ng starbucks entry, daliii!

maver´s last blog ..MAVER’S STARBUCKS PLANNER PALOOZA…
Meikah
December 5th, 2009 at 9:35 am
Your kids are adorable!
Nice shot!
Philippine Lotto | Chronicles of Kotsengkuba
December 11th, 2009 at 4:49 pm
[...] Cookie thinks that the extravagant blossoming of Poinsettias is a sign of the holidays coming. [...]
6 Responses