Ano na nga ba ang pinagkaiba ng Paskong Pinoy sa ibang mga bansa? Pare-pareho lang naman halos ang pagdiriwang natin. Ginugunita natin ang pagsilang ni Hesus. Nagsasalo-salo ang pamilya at mga mahal sa buhay. Nagbibigayan tayo ng regalo. Ganun naman talaga sa buong mundo. Pati nga si Santa Claus na di naman Pinoy ay buhay na buhay na rin sa isip at puso natin.

Pero naalala ko lang ang sinabi ng isa kong tiyahin na naninirahan na sa ibang bansa. Nung nakaraang taon umuwi sya dito para dito magdiwang ng Pasko. Nung sinundo namin sya sa airport, hiniling nya sa amin na idaan daw namin sya duon sa may Ortigas kung saan nagbebenta ng maraming mga parol. Sa kanya daw kasi, yun ang nami-miss nya tuwing Pasko. Halos maluha nga sya ng nakita na nya ang mga makinang na mga parol.

Sabagay, kahit naman ako ay natutuwa na tuwing nakikita ko na ang mga magagandang mga parol ng Pinoy. Pag meron ng parol alam na natin na magpa-Pasko. Di lamang dito sikat ang ating likhang kamay na ito kungdi sa buong mundo. Maganda naman kasi talaga, di ba.

Tags : , ,
Categories : Celebration, Litratong Pinoy, meme, photography

RSS feed for comments on this post

  1. Mauie

    December 17th, 2009 at 11:15 am

    Sinabi mo pa. Pinoy na Pinoy talaga ang parol.

    Sana’y mabisita mo rin ang aking lahok ngayong Hwebes: http://www.the24hourmommy.com/2009/12/litratong-pinoy-paskong-pinoy.html

    P.S. pamilyar ang huling pikchur *winks*

  2. luna miranda

    December 17th, 2009 at 12:31 pm

    ay ang sosy ng Christmas stockings mo, applique ba si Santa o naka-hiwalay s’ya? love the colors–very festive!
    luna miranda´s last blog ..Paskong Pinoy [Litratong Pinoy] My ComLuv Profile

  3. marites

    December 17th, 2009 at 2:58 pm

    na-touch naman ako don sa tiyahin mo. para sa akin din, hindi kumpleto ang Pasko kapag walang parol. Maligayang LP!
    marites´s last blog ..Litratong Pinoy#76 Paskong Pinoy (Philippine Christmas) My ComLuv Profile

  4. julie

    December 18th, 2009 at 9:26 am

    Korek yan sis, parol ang ating simbolo ng pasko, isama mo na in ang belen :)
    julie´s last blog ..How to Avoid Being Phished My ComLuv Profile

4 Responses








CommentLuv Enabled