.

.

.
Isa sa mga paborito kong oras sa bawat araw ay ang dapit hapon. Siguro dahil nasa isip ko na malapit na akong magpahinga pagkatapos ng isang buong araw ng pagpapagod.
.
Tuwing sumasapit ang oras na iyan, madalas kong tinitingala ang kanlurang bahagi ng kalangitan para masulyapan ang paglubog ng araw.
.
Ang mga litrato ko ay kuha sa oras na tinutukoy ko..ang dapit hapon. Yung una ay kuha ko sa Niagara Falls. Pauwi na kami nyan sa hotel at talagang pagod na pagod na talaga kami ng asawa ko ng mga oras na iyan. Minabuti muna naming umupo sa isang papahingahan bago kami lumakad papunta ng hotel. Yan ang Canadian side ng falls kung saan lumulubog ang araw.
.
Ang pangalawang litrato naman ay kuha ko mula sa 17th palapag ng gusali na nakaharap sa Manila Bay. Nag-meeting kasi ako ng buong araw kasama ko ang business partner ko at ng matapos ang meeting namin, medyo pagabi na kaya’t naabutan ko pa ang pamosong “Sunset at the Bay.”
.
Para masulyapan ang ibang mga litratista, puntahan po sila sa Litratong Pinoy.


Categories : Litratong Pinoy, pictures

RSS feed for comments on this post

  1. Willa

    July 24th, 2008 at 9:15 am

    we’re off to NF late next month and you just gave me something to look forward too :)

    Willas last blog post..LP-Sa Gawing Kanluran (on the western side)

  2. ces

    July 24th, 2008 at 10:23 am

    ako naman hindi ko alam kung bakit may lungkot akong nararamdaman kapag dapithapon na…pero maganda naman ang sunset…

  3. yvelle

    July 24th, 2008 at 10:34 am

    magandang mga larawan. maligayang huwebes!

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-17-sa-gawing-kanluran.html

    yvelles last blog post..LP # 17 Sa gawing Kanluran

  4. Wenchie

    July 24th, 2008 at 11:20 am

    napaka gandang mga larawan…parang gusto ko tuloy bumalik sa Canada kasama ang aking mga anak nang makita rin nila ang Niagara Falls…

    Wenchies last blog post..Pio Says…..

  5. Dr Emer

    July 24th, 2008 at 11:34 am

    Awesome! Nothing beats the beauty of the sunset anywhere in the world it is.

    Dr Emers last blog post..Western Glory

  6. julie

    July 24th, 2008 at 11:44 am

    Ang gaganda ng mga larawan mo, Cookie :)

    julies last blog post..Are You Lost?

  7. iris

    July 24th, 2008 at 12:22 pm

    wow niagara. gusto kong makita yan balang araw. ako naman ay morning at evening person :)

    iriss last blog post..Norte [LP]

  8. komski kuno

    July 24th, 2008 at 12:26 pm

    Lagi akong inaabutan ng paglubog ng araw sa bus, pauwi galing Maynila. Mahaba-habang biyahe rin yun sa NLEX kaya mapapasenti ka talaga minsan habang sinusundan ng tingin ang araw sa kanluran.

  9. luna miranda

    July 24th, 2008 at 1:53 pm

    pareho silang maganda…tama ka, kaya siguro naaaliw tayo sa dapit-hapon, kasi malapit na nga tayong makapahinga!:D

  10. ShutterHappyJenn

    July 24th, 2008 at 2:58 pm

    Sobrang ganda ng Niagara talaga!

    Ang aking LP ay nakapost na rin sa blog na ito:
    Shutter Happenings

    Kung may oras ka, sana makadaan ka! Salamat!

    ShutterHappyJenns last blog post..Kanluran (West)

  11. ZJ

    July 24th, 2008 at 3:56 pm

    Anggaganda ng mga litrato! Isa sa mga gusto kong puntahan ay ang Niagara falls. Tama ka, I also look forward to dapit-hapon knowing that the day’s over and rest is calling.

    ZJs last blog post..Litratong Pinoy #7: Kanluran (West)

  12. Thess

    July 24th, 2008 at 5:17 pm

    Cookie, ang ganda ng first shot! tapos yung second, ‘mahiwaga’ basta yun dating sa akin nito :)

    Happy Thursday sa iyo

    Thesss last blog post..Sining Kanluran (LP 17)

  13. betchay

    July 24th, 2008 at 5:45 pm

    ang ganda ng sunset… pero nakakatakot ang lawak ng dalampasigan…

  14. Mitch

    July 24th, 2008 at 8:56 pm

    Ganda ng shots!

  15. peterahon

    July 24th, 2008 at 11:19 pm

    parang lumiit ang NF sa anggulo na iyan…

    wow Sunset sa Manila Bay, definitely pamoso, famous ang fantastic!

  16. G_mirage

    July 24th, 2008 at 11:52 pm

    Ang ganda ng tilamsik ng tubig!

    Ako din ay mahilig manood ng pagsikat at paglubog ng araw…kaya sali ka na din sa Sky Watch Friday! =D

    Happy LP!

  17. lino

    July 25th, 2008 at 5:59 am

    these are nice cookie… :)

    linos last blog post..sa gawing kanluran…(west)

  18. lidie

    July 25th, 2008 at 6:54 am

    isa sa mga target kong puntahan ay ang niagara… ang ganda… sana nga mabisita ko na rin yan!
    magandang araw sa’yo!

  19. christine

    July 25th, 2008 at 7:08 am

    lovely, lovely sunset shot!

    christines last blog post..[LP] Kanluran (West)

  20. Lynn

    July 25th, 2008 at 9:15 am

    Ang ganda ng kuha sa Manila Bay. Parang wala sa building. Parang nasa tabing dagat talaga. See you later, Cookie. :)

    Lynns last blog post..Kanluran (West)

  21. Pinky

    July 25th, 2008 at 5:08 pm

    Ako man mapapawi siguro ang pagod kapag nakakita ng mga tanawing ganito. :)

    Pinkys last blog post..LP #17: Sa Gawing Kanluran

  22. iska

    July 25th, 2008 at 6:42 pm

    kayganda ng sunset sa manila bay…
    kelan ko ba ito huling nakita? kaka-homesick naman…

  23. Linnor

    July 26th, 2008 at 7:54 am

    pinalad kaming makita ang NY and Canadian side ng Niagara noong 2006. tunay na nakakamangha pagmasdan ang natural wonder na ito.

    Linnors last blog post..Sa Gawing Kanluran

  24. Reflexes

    July 28th, 2008 at 11:43 am

    ako gusto ko pareho…sa sunrise feel kasi ang lakas na meron ako para sa maghapon, at sunset para naman makapagpahinga at magkapag-relax. parehong maganda para sa akin. :D

    Reflexess last blog post..Fruity Snack

24 Responses








CommentLuv Enabled