Litratong Pinoy : Mahalagang Regalo
.
.
Para sa akin, ang pinakamahalagang regalo na pwedeng ipagkaloob sa isang tao ay ang edukasyon. Hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng ganito. Ito ang isa sa mga sinabi ng aking mga magulang sa amin nung kami ay bata pa. Dapat daw ay magpasalamat kami at kami ay nabigyan ng pagkakataong makapa-aral sa mga magagandang mga eskuwelahan at unibersidad. Inaamin ko, dati ay parang binabalewala ko lang ito. Sa isip ko, karapatan kong mapag-aral dahil anak naman nila ako. Ganun nga ako mag-isip nuon kasi mura pa naman talaga ang isip ko.
.
Nung umabot na ako sa kolehiyo saka ko naintindihan ang kahalagahan ng estado ko. Marami akong mga naging kaklase na talagang hirap makapasok. Tutok na tutok sila sa pag-aaral nila dahil nga binubuno ng magulang nila ang pang-matrikula nila. Noon ko naintindihan na di ko dapat balewalain ang pag-aaral ko.
.
Ngayon ito rin ang itinuturo ko sa mga anak ko. Kahit nasa preschool lamang sila ay sinasabihan ko na dapat ay mag-aral silang mabuti dahil para sa kinabukasan din nila yun.
Comments
12 Responses to “Litratong Pinoy : Mahalagang Regalo”
Leave a Reply






At ang maganda sa regalong edukasyon, panghabangbuhay! Magandang Hwebes!
Em Dys last blog post..Viva Sto. Nino
Magaling ang iyong lahok sis! Tunay nga na hindi matatawaran ang halaga ng edukasyon sa bwat tao! Magandang Huwebes!
http://edsnanquil.com/?p=1233
Edss last blog post..LP#37:Mahalagang Regalo {Precious Gifts}
congrats sa io:)
maligayang LP
eto ang lahok ko:
asouthernshutter.com
tanchis last blog post..Litratong Pinoy 7: Mahalagang Regalo
Agree ok sa mga tinuring mo, ito ay ating-atin at walang ibang makakakuha nito sa atin (puwera na lang kung…)
Galing!
tama!tunay nga na ang edukasyon ang isa sa mga magandang regalo sa buhay ng tao! nalala ko yung sabi ng tatay ko na,mag aral kayong mabuti yan ang tanging regalo maibigay ko sa inyo pang habang buhay:)
chehs last blog post..Litratong Pinoy 7: Mahalagang Regalo (Special Gift)
napakahalaga nga ng edukasyon; this is the greatest gift of them all
pinings last blog post..Mahalagang regalo
tumpak ka dyan, cookie. mahirap pero masarap ang may edukasyong maipagmamalaki
eto ang aking lahok
http://homeworked.blogspot.com/2008/12/masaya-ang-mundo-world-is-beautiful.html
raqgolds last blog post..Masaya ang Mundo = The World is Beautiful
iyan ang laging sabi sa amin ng mga magulang ang tanging pamana na kanilang maaring maibigay at bagay na hindi kayang manakaw…
peterahons last blog post..LP -Mahalagang Regalo: Mata
Dapat talagang pasalamatan mga magulang natin sa pagpapaaral sa atin. Gaya mo sa simula ay binalewala ko pag aaral, buti na lang at nagising din ako.
Thesss last blog post..Mahalagang Regalo (LP 37)
ganyan din ang sinasabi ng aking mga magulang sa amin, wala silang mas higit pang maipapamana sa amin kundi ang magandang edukasyon..kaya mabait akong estudyante din eh hehe
saludo ako sa mga magulang na ganyan mag-isip
kajes last blog post..LP37 Mahalagang Regalo
out of blue come out green! hehehehehehe til now ba latin pa rin ang diploma ng ateneo? alam mo ba iniisip kong edukasyon din ang ilahok
kaso wala pa akong post. Happy Weekend!
ninas last blog post..LP – Eksayted
Totoo ito, pasalamat ko nga din na ako ay nakatapos ng kolehiyo, at isang magandang regalo din sa ating mga magulang yon nakita ang pinaghirapan nila para sa tin.
gmirages last blog post..Photohunt – Favorite