LP : Gusto Kong Lumipad

July 29, 2010 · Posted in meme, photography · 1 Comment 

Kung ano ang di mo magawa, yan ang gusto mong gawin…di ba?

Kung di ka marunong lumangoy…gusto mong matuto. Kung di ka makalakad….gusto mong lumakad. Kung di ka marunong kumanta….gusto mong mag-Karaoke…o di ba ang daming basag ang boses na kumakanta sa sing-along.

Ang mga anak ko iba ang trip…gusto nilang lumipad.

Eto nga si bunso ay mas matindi ang pangangailangan….aba’y nagsuot pa ng superhero costume. Baka sakali namang andyan ang powers eh..LOL!

LP : May Pag-Asa Ba Ako?

June 9, 2010 · Posted in meme, photography · Comment 

Bakit nga ba napakahirap minsan isipin kung ang buhay ay talagang may pag-asa. Kung minsan naman kasi, kahit gaano ka na magsumikap, talaga namang may panahong minamalas ka.

Tulad na lamang ni Dong (names changed to protect subject), tuwang tuwa sya kay Dang (not her real name kasi Ate Arlyn ang name nya). Nung minsan kasing nagpunta kami sa park para makapaglaro ang mga bata, aba’y naisipan ni Dong at Dang na sila din ay maglalaro. Naku ha, intriga yan. Joke.

Actually, medyo TH silang maglaro kasi kinda matanda na sila para sa mga larong napili nilang gawin. Kaya ayan, nagtaka naman ako kung may pag-asa pa ba silang mag-enjoy ng maigi. Eh mukha naman di ba.

LP : May Pagbabago Ba?

June 3, 2010 · Posted in meme, photography · 4 Comments 

Mag iisang buwan na magmula ng tayo ay tumahak para bumoto ng mga tatayong lider ng ating naghihikahos na bayan. Ninanais ng bawat Pinoy na ang bagong uupo ang syang magdadala ng pagbabago para sa ikauunlad ng bayan. Wala sa pangalan, sa pinanggalingan o sa magulang ang naging batayan ng marami. Ang tinignan ng marami ay ang sinceridad ng mga kumandidato.

Ng matapos ang botohan nagkaroon ng malaking kaguluhan gawa ng “automation” na ngayon lamang natin naranasan bilang mga botante. Kasi naman, di masyadong handa ang mga kumatawan sa ahensya na namamahala nitong “automated election”. Kaya ayan, hanggang ngayon nasa dilim pa rin tayo kung sino na nga ba nag idedeklarang lider ng ating bayan.

Itong nasa litrato ko ay kuha sa loob ng Batasang Pambansa kung saan ginaganap ang joint canvassing ng Senado at Kongreso. Sa totoo lang, dito pa lang ay madidismaya ka na kasi tulad ng dati, imbes na pagtuunan ng pansin ang maayos na pagbilang, walang patid na papogi ang inaatupag ng mga senador at kongresista. Kaya kung tutuusin, wala ring pagbabago ang nangyayari dyan.

Sana pag may maiproklama ng bagong lider ng bayan, mabago talaga nya ang pagpapalakad ng ating gobyerno.

LP: Words

April 16, 2010 · Posted in Celebration, meme, photography · 1 Comment 

Nung nakaraang linggo, ang aking panganay ay nag-bertdey. Matagal na nyang inaantay ang araw na iyon…..mga 7 taon lang naman. LOL. Di nga ba’t talagang nag-cecelebrate tuwing 7th birthday. Kaya ayon, isang masigabong “Happy Birthday, Gaby!” ang aming idinulot para sa kanya.

Litratong Pinoy : Manny

March 25, 2010 · Posted in meme, photography · 4 Comments 

Sabi nila, swerte daw ang mangolekta ng mga piguring elepante. Mas lalo daw swerte kung ang nguso ng elepante ay nakaturo sa itaas.

Matagal na akong nakukyutan sa elepante. Siguro dahil na rin kay Dumbo na isa sa mga paborito kong Disney characters nung ako ay musmos pa.

Kaya naman ngayon may mga elepante na rin akong nagbabantay at nagbibigay ng swerte sa akin. Yung elepante sa kanan ay bigay sa akin ng BFF ko. Gawa ito sa marmol at binili pa daw nya sa Cambodia. Yun namang sa kanan ay galing sa Lola ko. May kapartner yan kaya lang di ko na mahanap. Nakuha ko ito sa opisina ng yumao kong Lola. Kung di ako nagkakamali, galing ito sa India kung saan sinasanto ang mga elepante.

Yung sa gitna naman ay hindi sa akin. Sa anak kong panganay yan. Mahilig din kasi sya sa elepante. Marami rin syang nakolektang elepanteng stuffed toy. Ito namang nasa litrato ay plastik na elepante na galing sa Mcdonalds. Galing sa Happy Meal yan. Ang pelikula kasing uso nun ay ang Ice Age 3. Yan si Manny, yung bidang elepante. Talagang nakadisplay din yan kasi swerte naman sya eh. Nakataas di naman ang nguso nya di ba.

Next Page »